Happy Mother’s Day

Mother in different languages:
Afirkaans – Moeder, Ma
Albanian – Mënë, Mëmë
Arabic – Ahm
Belarusian – Matka
Bolognese – Mèder
Bosnian/ Bulgarian – Majka
Brazilian/Portuguese – Mãe
Chechen – Nana
Croatian – Mati, Majka
Czech – Abatyse
Danish – Mor
Dutch – Moeder, Moer
English – Mother, Mama, Mom
Finnish – Äiti
French – Mère, Maman
German - Mutter
Greek – Màna
Hawaiian – Makuahine
Hindi – Ma, Maji
Hungarian – Anya, Fu
Icelandic – Móðir
Indonesian – Induk, Ibu, Biang, Nyokap
Irish – Máthair
Italian – Madre, Mamma
Japanese – Okaasan, Haha
Judeo/Spanish – Madre
Latin – Mater
Macedonian – Majka
Marathi – Aayi
Mongolian – eh
Norwegian – Madre
Persian – Madr, Maman
Tagalog – Ina, Nanay, Inay, Mama
Polish - Matka, Mama
Portuguese – Mãe
Punjabi – Mai, Mataji, Pabbo
Romanian – Mama, Maica
Russian – Mat’
Serbian – Majka
Slovak - Mama, Matka
Spanish – Madre, Mamá, Mami
Swedish – Mamma, Mor, Morsa
Swiss/German – Mueter
Turkish – Anne, Ana, Valide
Ukrainian – Mati
Urdu – Ammee
Welsh – Mam
Yiddish – Muter
Zeneize – Moæ

Moms may be called differently in ways, but one thing is common: their LOVE for their kids/children is unconditional and their role as mother is never ending. And I do believe that being a mother is the hardest job in the whole world. So, to all Mother’s: I salute and admire you all!

Skin whitening options

Glutha, Metha at ngayon naman BB cream from Korea. Kaloka! I can’t seem to keep up with all these whitening products. Kaliwa’t-kanan ang labasan ng mga adverts nila. Alin nga kaya ang effective sa kanila?

Ano ba? Totoo ba ang himala? Pag gumamit daw nito isang isang tao ay magiging “fair” ang comlexion nito? Pampaputi daw o baka naman mamumutla ka sa mahal?

Simula nung bumalik ako galing Pilipinas, sabi ng mga kakilala ko dito sa Alemanya ay pumuti daw ako. Ano daw ang ginawa ko? At kung nag gu-Gluta nga daw ba ako?

Gluta? Ahh. yung sinabi sa akin ng Tita ko na actually ay supplementary tabs/caps for the liver at iba pang internal organs… at ang side effect daw nito kapag tini take ng matagal ay nagiging fair ang complexion ng tao. Pampakinis din daw ito ng balat.

Huh??? Eh, (kakapalan ko na ang mukha ko ha), matagal na pong makinis ang balat ko! Hahaha… joke lang po. Actually, hindi ako nagte take ng caps or tabs nito. But I do use the Gluta-Milk soap na nabili ko nga sa Pinas. Nung andun kasi ako, masyado naman akong nawili magbilad sa araw, kaya nangitim na naman ang Lolé. Natakot akong tawagin na naman akong “Baluga” nung isang kaibigan namin na Aleman kaya naghanap ako ng makakatulong sa akin na sabon na hindi naman kamahalan. Hindi ko naman po afford ang Bello Essentials at lalong hindi ko afford magpa inject ng ilang beses ng Glutathione or Metathione.. or kung ano pa man yang mga “…ione” na yan.

Mukhang effective naman ang mumurahin kong sabon kasi nabati naman ako ng ibang kaibigan dito sa Alemanya na pumuti nga daw ang kyutis ko lalo na sa mukha. Minsan, tinanong ako kung ano daw ang powder na gamit ko… sabi ko wala po, kasi late na ako nagising at wala na akong time na mag polbo man lang ng mukha. Talaga bare ang mukha ko nung araw na iyon. Ayun nga, kuminis nga daw ang fés ni Lola. Kuminis nga po talaga ang fés ko… pero sa palagay ko ang kailangan ko talagang pag-ipunan ay ang pampa face lift ko. Kasi pansin ko, medyo halos naginging papaya na ata ang mga pisngi ko… o baka naman tumaba na ulit ako…in which case kailangan ko din mag ipon pampa lipo!…(hahaha!)

Vanity—is this a virtue or a sin? Either way, it could make a deep hole in my pocket.

Teleserye fever

Well, life… i guess wherever we are in this world, no matter in which time zone we happen to live, grow up, study, work or simply exist, our roots never leaves us. People who are uprooted from wherever they came from, separated with their family and loved ones for whatever reasons, tend to adjust in their host country.

Of course, “what to do?”– ika nga ng isang Pinoy na kakilala ko na matagal nang naninirahan dito sa Alemanya. Andito siya “para matustosan ang mga pamilya niya sa Pilipinas. Ang kanyang mag iina at mga magulang at kapatid na rin”. Oh, diva bongga? Ang pinaka gasgas na “linya” o “dialog” nating mga Filipino overseas. Pero, okay lang, kasi kahit papaano nakaka survive naman tayo, kahit san tayo mapunta. Dahil sa pagmamahal natin sa aking mga kaanak. Dahil sa motibasyon at ambisyon. Dahil na rin sa hangad ng magandang buhay sa ating bayan, kung sakali mang kakayanin ng umuwi at doon na nga manirahan ulit sa ating Inang Bayan sa ating pag tanda. OO, maraming mga tao na pre pareho pinag dadaanan sa buhay. Pare-pareho din ang hangad na ambisyon, pero magkaka iba lang ang antas ng hirap at sakit na nag udyok sa kanila na makarating sa kanilang kinaroroonan ngayon.

At saan man nga tayong mga Pinoy mapadpad, salamat sa teknolohiya, may mga Pilipino teleserye na napapanood natin online o naman kaya ay sa pamamagitan ng TFC (The Filipin Channel) subscription na pampalipas ng lungkot at pangungulila.

Dito po ako nanonood ng mga Pelikulang Pilipino online: Sine Pinoy

At sa kasalukoyan, ito naman po ang isa sa kinagiliwan ko at sinusubaybayang teleserye…

Nakaka aliw manood nito. Alam mo na, halo-halong emotion ang nadarama ko kapagnanonood ako nito. Anjan ang kilig, saya, (bumabalik na alala ng aking kabataan), excitement, pagka inis sa mga kontrabida at awa sa naaping bida. Naiinis din ako sa dulo ng bawat episode, dahil ibig sabihin mabibitin na naman ako. Pero excited na ulit na mapanood na naman ang susunod na kabanata nito.

Nakaka loka, pero sa toto lang, ito ang theraphy ko kapag tinatamaan ako ng pagka homesick. Ito at ang iba pang palabas sa telebisyon na napapanood na nga via online streaming.

Samsung Galaxy S3 fever

It’s out and hopefully by the end of the month it’s already in the market… the Samsung Galaxy S III. I’ve been waiting for this phone since early this year. I lost my smartphone when I was on vacation in the Philippines. So when I got back here in Germany, I had to make do with an antique one.

It’s difficult, coz, i was already very dependent on my smartphone. Calendar schedules, contacts, memos and notes, Navi and of course internet on the go. I must admit, these last few months have been somewhat strange for me going around without my smartphone. I felt like somehow incomplete.

But now, the wait is almost over. My new buddy is already pre-ordered online.

Read more about the specs of the new Samsung Galaxy SIII here.

Watch the event here.

Kaarawan dapat ka nga bang ipagdiwang?

Sa themang kaarawan, nalalapit na ang ika apat na dekada na anibersaryo ng aking kapanganakan. Sa totoo lang, hanggang ngayon di ko pa rin alam kung mag hahanda ba ako. Bakit kaya ganun? Hindi ba, dapat aligaga ang tao sa paghahanda para sa kaarawan nito? Hindi ba, dapat masaya at maligalig ang tao sa pag iimbita ng bisita nito para sa kaarawan niya?

Nag aalinlangan ako kung maghahanda nga ako. Sabagay kasi hindi ko pa alam kung saan ko dapat idaos ang party. Minsan naiisip ko, gawin ko German style. Mag order ng mga cold cuts na nakapatong sa kahalating tinapay, mga iba’t-ibang klase ng keso, at mga Olives at paprika. Tapos maglagay din ng konting salad, ayos na. Mag imbita ng ilang tao sa isang restaurant for like 3 hours na kainan…tapos uwian na.

Pero, ang aking pagiging Pilipina ay kumokontra sa ideya na ito. Masaya naman kasi maghanda ng open end na party diba? Masa masarap din siyempre ang handang Pilipino. Ang walang kamatayang Pansit, Eskabche, Kaldereta, Humba o kaya Lechon. Isa pang problema, komo autumn baby ako, medyo malamig na sa buwan ng kaarawan ko. Hmmmm….. ano kaya maganda pakulo sa Oktubre?

A Tulip for May

Last weekend, hubby and I were invited the 60th birthday of hubby’s cousin. They live like 300 kms away from us but it didn’t matter. Anyway, It was a good time to travel since the weather has warmed up a bit.

Also, I thought I should try to abuse my new cam… hehehe. Thing is, I read it somewhere, unless I am invited as the official camera man (woman) for the party, I should not bring my camera to parties. I did anyway, but decided not to take so much photos from the party.

As a photogapher wanna-be, the best place to practice? Where else but at mother-in-law’s garden. I decided to to take advantage the early morning light las Sunday. I like these best.

The Holy Tunic

Mixing Tagalog and English (TagLish) in one sentence is quiet common for us Filipinos. We are familiar with the words and actually can understand each other still. But mixing Tagalog and German in a conversation, well, could actually cause confusion. At least for me.

My friends called me to ask if I wanted to join them on a road trip – to see “The Heiliger Rock”. I thought, well, why not? I mean, I am a Christian, I believe in God. I have accepted Jesus as my Lord and Savior when I was just 14 years old. I celebrate Easter and I believe in Jesus’ resurection. I do have my own personal relationship with the Lord. Period!

But to see a holy stone? Why not? The holy stone turned out to be a Tunic. I, silly me, literally translated “Rock” for “stone”. But “Rock” in Germanic language is actually “skirt” or “tunic”. It is believed to be the “Seamless Tunic” that Jesus’ wore before He was crucified. According to tradition, St. Helena, the mother of the Roman Emperor Constantine, brought the Holy Tunic to Trier when it was the capital of ancient Gaul.

Read more here.

The “Holy Robe” pilgrimage began in 1512. It is again available for viewing from April 13 till May 13 this year. The “Holy Robe” Pilrimage tradition is now 500 years old. I lined up with my firends inside the Cathedral in Trier for almost 20 minutes. The line was already long at 10:30 a.m. My friend, thinking ahead, knew that if we arrived later, it would probably have taken double the time just to see the Tunic inside the Cathedral.

Afterwards, we just walked around Trier which is Germany’s oldest city.

Philippinen and the Filipino Way

Watch a video of Terra X 2DF channel presenting the Philippines and the Filipino sea nomads.



The Filipino Way
The whole crew woke up at 5 a.m. as scheduled. But the boaters came late, (as usual – the famous “Filipino time”). When the boaters finally came, it turned out that the whole crew and their equiptments would not go in the boat. So they had to order another boat. Mr. Dirk Steffens was already pessimistic if they would even make it out that day, hehehe. But eventually, they managed to get another boat and the crew could sail out in the end. I like this cut, showing the boys in shorts and goggles playing under water with the foreign guests in full diving gear, hehehe.

Just watching these clips make me want to shout out: “Here it is! The country where I hail from. The Paradise of the Southeast.”

LP Challenge: Babasahin

Simula nung ako ay bata pa lamang ay nakahiligan ko na ang mag basa. Oo, simula sa mga Nancy Drew, Hardy Boys, Sweet valley High, Emilio Buto (Mills and Boon) hanggang sa mga Daniel Bakal (Daniel Steel) at iba pang Romance novels. Hanggang ngayon ay kinagigiliwan ko pa rin mag basa. Tulad ng Happy Rotter (este, Harry Potter) na akda ni J.K. Rowling at ng mga akda nila Dan Brown, John Grisham, James Patterson. Kasama na rin si Mary Clark Higgins. Pinag daanan ko din namang basahin ang mga bigating sina Leo Tolstoi, Anna K., At mga akda ni Jane Austen. Namuti ang bawat hibla ng mga buhok ko jan… kasi kinakailangan kong basahin para sa eskwela ang mga yan.

Ngayon naman, namumutla naman ang wallet ko, kasi ang mamahal na ng mga babasahin Ingles dito sa Alemanya. Mabuti nalang at doon sa dati kong pinag ta trabahuhan ay nakaka deilihensiya ako ng mga librong itinatapon na dahil hindi nabebenta. Mga top seller din naman sana, kaya lang bihira lang ang namimili ng English books nila. Kaya kesa gumastos sila sa pag mail nila ng sangkatutak ng libro, ay tinatapon nalang nila ito. Yun nga lang hubad sa likod ang mga binabasa ko kasi ang back cover ay tinatastas nila para isauli sa publishing house. Okay lang din. Ang mahalag ay libro ito at higit sa lahat, nakukuha ko pang ipagpatuloy ang kinagisnan kong “hobby” ang pag babasa.

Nitong mga huling buwan, mas napapabilis ang pag tapos kong basahin ang isang libro dahil sa trabaho ko ngayon, may time ako mag basa. Pwedeng-pwede kami magbasa ng libro, huwag lang newspaper, magazine, or tablet. Bawal mag internet for personal use at bawal din mag telebabad. Kaya nag stock ako ng maraming libro. Tuwing may pagkakataon na makapag uwi ako ulit ng mga patapon na libro ay gina-grab ko. Madalas isang malaking shopping bag na puno ng libro ang nai uuwi ko. Oo, natatapos ko naman silang basahin. Pag tapos na ako ay pinamimigay ko na din sa mga interesado o kaya ay dinadala ko sa Brussels para naman sa mga kapatid ko. Sila din ay mahilig mag basa. Talagang nasa lahi na rin ata namin yun. O di kaya ay sa pagpapalaki sa amin ng aking mga auntie at Lola. Naalala ko pa, palitan kami ng librong binabasa. My Lola used to bring lots of books at home. Borrowed books lang from the library at sa book-swapping stores sa manila. Mabibili mo ang libro ng 2,50 pesos pataas, depende sa author at kung bago pa ito. Pagkatapos mong basahin pwede mo itong i swap for other books at same price or lower. Unahan kami ng pili kung ano ang gusto naming basahin at pagkatapos ay nagpapalitan naman kami. Kinagagalitan ang pinaka matagal matapos mag basa. Kasi, gusto pa namin itong i swap for other books nga. Maganda ang kinagisnan naming magkakapatid na hobby. At masaya ako na hanggang ngayon ay nagagawa ko pa ito. Thank goodness, libre na ang mga libro ko.

LP challenge: Nakagisnan

Simple lang ang buhay na aking kinagisnan. Naninirahan lang kami noon sa isang apartment sa Maynila. May dalawang kuwarto man ito, pero dahil sa masyadong mabait ang mga magulang ko, palagi kaming puno. Palaging may bisita galing sa probinsiya. May mga pinsan na nakikitira habang nag aaral sa Maynila. Siksikan kami sa kuwarto at sa kama, pero masaya naman kahit nag mistulang sardinas kami. Mabuti pa nga siguro ang sardinas nakakahinga pa ata ng maayos kesa sa amin, hehehe. Kapag naiisip ko nga ngayon ang kinagisnan kong buhay, natutuwa ako na kahit siksikan kami noon, magkasama naman kami lahat. Masaya kahit isang latang sardinas lang ang ulam namin. Kahit nale-late kami sa eskwela sa kaka hintay para makapag banyo sa umaga.

Ngayon, ang kasama ko lang dito sa Alemanya ay ang aking asawa. Minsan, nangungulila ako sa aking nakagisnang buhay. Maingay, masikip, mahirap… pero masaya.

Berlin again… this time with Bong

I visited Berlin again this time with my classmate way back during my I.S. days in MCFI and her family and some friends. Last time I was in Berlin, was with my niece Duday. It was a first for both of us. For her, the first time she travelled from Brussels alone via the ICE going to Frankfurt am Main then further on to Berlin with me. For me, the first time to visit Berlin, the capital city. We stayed two nights at one of the Hotels in Potsdamerplatz. We had a really nice time. For her, perhaps tiring, but anyway educational. That was in August last year.

Two weeks ago, I went back there with some friends.

It was also tiring since we tried to squeezed as much place as we could visit in one day. Anyway, I hope they enjoyed it as much as I did. I got to spend sometime with Bong. Got to know her a bit more. Caught up with her life’s ventures… as wife, mother and a career woman all rolled into one. The Bong that I used to know is totally different now. I can’t imagine her being the successful Realty Broker and over protective mom of Sophie. You see, before, I thought Bong was a softie. Although a really beautiful personality inside, I thought that she was the type who would need someone to protect her. Someone to provide everything for her. I never thought that she would turn out to be a very independent, very reliable sophisticated woman like she is now… to top it all… successful in her chosen field of career.

My hats off to you Bong and it was really nice to see you again. Last time we were together in Zürich was 6 years ago. I hope it will not take that long till we see each other again. Hopefully, Mike and I can visit you and Leonick in your Villa in Antipolo next time we come home to visit.

I like the new look

I like the new look of my blog. Simple and neat. Boring? yeah, perhaps to some.. but for me it’s a new look. Fresh and clean so to say. Hopefully, I can blog as often again as I used to before. Well, after some years, the zest to do it has paned, but I still do it. It’s an outlet for me…somehow, like a theraphy. I can write anything I want… if it’s just crap or informative… or just plain vanity it does not really matter to me.