Mar 2007

The Misadventures of Boy Ngo Ngo
by missP on Mon Mar 05, 2007 2:12 pm
Si Boy Ngo ngo ay ikinulong sa dahilang walang awa niyang pinaslang ang tindera sa kanilang kabayanan. Tunghayan ang kaniyang kwento kung sa tingin ninyo'y nararapat lamang siyang ikulong.

Isang araw, Tinawag ni Inay si Boy, ang batang ngo-ngo.

Inay: Boy, magpunta ka sa tindahan ni Aling Petra at bumili ka ng isang latang Pork & Beans!

Boy: Omo, inay !

Nagtungo si Boy Ngo Ngo sa tindahan ni Aling Petra. Tatlong bundok ang kaniyang nilakad. Pagdating ni Boy sa tindahan ay binati niya ang tindera.

Boy: Aning Metra, ngamuta na mo ngayo? (Kamusta na po kayo?)

Aling Petra: Mabuti naman. Ano ang kailangan mo Boy?"

Boy: Mangmilan nga mo ng inang lata ng Mo e Meen! (Pagbilhan nga po ng isang lata ng Pork n Beans)

Aling Petra: Ano kamo, Boy?

Boy: Isa mong Mo e Meen (Isa pong Pork n Beans)

Aling Petra: Paki-ulit nga Boy at hindi kita maintindihan.

Boy: Mo e Meen! Mo e Meen - nyung nata lata! (Pork n Beans! Pork n Beans! Yung nasa lata!)

Aling Petra: Hindi talaga kita maintindihan. Mabuti pa kaya ay i-spell mo na lang sa akin.

Boy: O ninge. Mo e Meen. Netter Mi. (O sige. Pork n Beans. Letter.)

Aling Petra: Letter 'B' ba?

Boy: Ine! Netter Mi as in Minimines. (Hindi! Letter ?P? as in Philippines)

Aling Petra: Ha???

Boy: Mi! (Kinanta ni Boy ang alphabet) Ey, Mi, Ni, Ni , E, Em, Nyee..En, Em, En, O, Mi! - - Mi!

Aling Petra: Ahhh, P! Letter P! (Masiglang sagot ni Aling Petra.)

Boy: Oo. Mi! Mo e Meen! (Oo! Pi! Pork n Beans!)

Aling Petra: Sige ituloy mo Boy. 'P'...

Boy: Ngo! (O!)

Aling Petra: Ano kamo?

Boy: (Kumanta ulit) Ey, Mi, Ni, Ni , E, Em, Nyee... En, Em, En, Ngo!

Aling Petra: Ahhh, titik O! P-O. Sige ituloy mo pa!

Boy: Netter Arrng (Letter R)

Aling Petra: Kantahin mo na lang ulit Boy.

Boy: Ey, Mi, Ni, Ni , E, Em, Nyee... En, Em, En, O, Mi, Ngyu, Arrng!

Aling Petra: Ahhh! Letter R. Malapit na. 'P-O-R'? Hindi ko pa rin makuha, Boy. Anong letter ang susunod?

Boy: Ngey.

Aling Petra: Letter A?
Boy: Ini ho! (Sabay buntung-hininga si Boy) Ngey! A, Ma, Nga (A-Ba-Ka-Da ang kinanta)! Nga!"

Aling Petra: Ka! Letter 'K' 'P-O-R-K' Ahhh Pork!!!

Boy: Oo!!! Mo e Meen!

Aling Petra: Pork and?

Boy: Oo!! Mo e Meen!!!

Aling Petra: Pork and Meen? Ahhhh!!! Alam ko na!!! Pork and Beans!!!

Boy: Oo! Oo!! Mo e Meen!! Mo e Meen!!!!" ang masayang sigaw ni Boy.

Aling Petra: Pork and Beans pala ang kailangan mo!!!

Boy: Oo. Mo e Meen!

Aling Petra: Hay nako!!!... Wala!!!

-The End-


***Im ernes mo, napat nang na hindi po ikunong si Moy Ngo ngo. Ngang ayon mo ma ngayo???***

***Please take note: the above story was emailed to me by a high school classmate. Credits for the good laugh DOES NOT BELONG to ME.***
'ore 'unny 'uns!
by missP on Fri Mar 16, 2007 10:49 am
Street Vendor (shouting): "bili na kayo ng relo! gold watch ito! pag namuti, white gold! pag huminto stopwatch!"

*********
gf : hu hu hu hu bakit natin ginawa ito? hindi na ako virgin at dalawang beses pa natin ginawa!
bf :ano? isa lang ah?!

*********
use violet in a sentence...
"oh no! i lost my ballpen .. pero ok lang.. i'll violet." hehehe

*********
couple talking:
wife: hon, paki fix naman ilaw sa labas.
husband: hello!? electrician ba ako?
wife: eh di pkigawa na lang hagdan natin.
husband: hello!? karpintero ba ako?
umalis si husband, pagbalik gawa na lahat ng sira sa bahay.
tinanong niya wife niya kung sino gumawa ng trabaho.

wife: kasi kanina a man saw me crying, sabi ko dami sira dito sa bahay. so he offered to help in exhange of either sex or bake ako ng cake.
husband: so pnag-bake mo siya ng cake?
wife: hello?! baker ba ako?!

... bash bananas bash bananas bash bananas ...


...
Grace under (air) Pressure!
by missP on Wed Mar 28, 2007 2:31 am
Finally, andito lang ako sa bahay ulit. Color coding kasi sasakyan ko, kaya I can’t leave the house yet till 10 a.m. Yes, andito po sa Manila ang lola niyo. I arrived via a long and somewhat scary flight via Doha last March 18, 2007 to attend to my little bro’s high school graduation. Isa po ako sa mga libo libong OFW’s na kipag bunong braso makalabas ng NAIA airport at sumisigaw ng, Itaaaaaay! Andito na po ako, sabay kaway- kaway sa may Ramp arrival area ng NAIA. After such a looooong and hectic flight, tuwang-tuwa kaming lahat ng pasahero ng QR 646 via Doha, Qatar. Paano po naman kasi, 375 miles after take off po ng eroplanong sinakyan naming, biglang nag drop po kami ng siguro, sa estima ko ay almost 10 meters altitude din yun. Napasigaw lahat ng pasahero at nag iakan. First time ko po nakaranas ng ganun. Kakaiba pala talaga ang pakiramdam pag alam mo kung nasa panganib ka.

Tuwang-tuwa pa naman sana kaming lahat ng pasahero dahil medyo apat na oras din kaming nag transit sa Doha. At sa wakas ay nabibilang na ilang sa naming ang mga oras na kami ay makarating muli sa Pilipinas. Halos lahat ng pasahero ay Pilipino. Nabibilang lang sa aking sampung mga daliri ang mga Europeans / Westerners. Kaya noong oras po na bumagsak ng kaunti ang eroplano sa ere, matapos ang limang segundong hiyawan, sabay-sabay naman pong maririnig ang mga pasaherong nagsimula nang mag dasal ng „Hail Mary’s at Our Father“...

Napahiyaw din naman po ang lola niyo, kaya pagkatapos mag anonsiyo ang piloto na umupo ang mga cabin crews, hinintay kong mag sabi sila ng eksplanasyon kung ano ang nangyayari. Pero wala po. Na dismaya at natakot na rin po pati ang mga kuto, wrinkles at libag ko. Biglang nag flash back sa isip ko ang mga nagawa ko na sa aking buhay at yung mga kailangan ko pa pong gawin or asikasuhin. Pakiramdam kop o talaga napa karami p a nito at hindi pa po ako handang pumanaw sa mundong ito. Kaya naman po sa mga oras ding iyon ay naipangako ko po sa Diyos na talagang magbabago na po ako. Hindi ko na po gagawin ang mga bagay-bagay na makakasira sa buhay ko at sa buhay ng ibang tao. Naisip ko na rin na kumuha ng L.I.P. para sa mga maiiwan ko kung sakali mang may mangyari sa akin. Wala man po akong sariling anak, meron din naman po kasi akong mga tinutulungan na pinsan at inaalalang mga pamangkin. Umabot din po ng isang oras bago nagging stable na ulit ang paglipad naming. Pagkatapos nito ay saka pa lamang humingi ng paumanhin ang Kapitan ng aming sinasakyang eroplano tungkol sa nangyari. Iyon daw po ay dala ng “heavy turbulence”. Hinding-hindi pa daw po nangyari sa kanila ang ganung insidente at una nga daw po naming naranasan ang ganun ka tinding turbulence sa himpapawid.

Hindi ko na rin nakuhang matulog sa buong biyahe, bagamat inabot kami ng 9 na oras sa himpapawid. Bumagal na rin k asi ng kaunti ang lipad ng eroplano, siguro nga dahil may mga air pockets daw. Sumuka at umiyak ang aking katabi habang nagdarasal siya. Tatlo ang anak na iniwan niya sa Pilipinas. Uuwi siya sa kauna-unahang pagkakaton matapos ang limang taon na pamamasukan sa ibang bansa . Nang kina-kalma ko na siya, napa tingin siya sa akin at nagtanong kung normal nga daw bang nangyayari ang ganung insidente. Nabanggit ko naman na sa loob ng sampung taon, ilang beses na rin akong umuwi ng Pinas ngunit first time ko naranasan iyon. Hindi siya maka paniwala sa akin. Tinitigan niya ako sabay sabing: “In fairness, ate, poise at beauty ka pa rin jan. Parang sanay na sanay ka na.” Napangiti lang ako at nagpasalamat sa compliment niya. Pinag kuwento ko nalang siya tungkol sa trabaho at buhay niya sa malayong lugar. Para lang maiba naman ang pinag tutuunan ng kanyang isip. Nag work naman. Nagkuwento siya tungkol sa trabaho niya, bakit siya umalis ng bansa natin para kumita at kung ano ang gagawin niya kapag nalaman niyang may kinakasamang babae ang kanyang asawa na napag iwanan niya ng mga anak sa Pasay. Nabanggit niiya iyon ng kusa, kaya sa pakiramdam ko ay may kutob siya. Hindi ko na inusisa pa at baka sakaling mamlungkot na naman siyang muli at mag iiiyak na naman. Sa tapat lang siya ng NAIA nakatira, kaya hindi na siya nagpasabi na sunduin siya. Isang malaking sorpresa daw. Naisip ko lang, huwag sanang mangyari na siya ng ma-sorpresa sa kung ano ang man ang madatnan niya sa bahay nila. Habang nag kukuwentuhan kami, di tuloy maalis sa isip ko yung kantang „Napakasakit Kuya Eddie“.

Matapos ang siyam na oras sa himpapawid ay nag anonsiyo na ang kapitan na malapit nang mag landing ang eroplano namin sa pambansang paliparang NAIA. May ssegundong natahimik lahat maliban sa mga batang nag iiyakan dahil sa pressure sa tenga. Noong nag touchdown na po ang eroplano ay ktalagang laking tuwa po n aming lahat at sa galak ay nag palakpakan kami. Sa wakas ay nakarating kami ng maayos. Ang iba ay nagsimula nang magkuwento kung saan pa sila uuwi. May pa puntang Davao, Bicol at sa bandang south pa ang destinasyon.

Sa kauna-unahang pagkakataon, walang nag bukas ng celfone nila hanggat hindi nahinto ang eroplano sa tapat ng gate. Noon kasi, pagkalapag palang ng eroplano, ang ibang may katigasan ang mga ulo ay nag bubukas na ng kanilang celfone upang mai text na nila ang mga naghihintay nilang kamag anak sa labas ng airport. Ilang beses ko na pong nasaksihan ang ganitong pangyayari. Pero sa pagkakataong ito, nagging matatag ang lahat at naghintay naman hanggat huminto na ang eroplano at saka palang nag bukas ng telepono. Dala na rin siguro ito ng takot dahil sa naranasan naming sa himpapawid. Puwede naman palang maghintay ang mga Pilipino. At sa pagkakataong ito, nag ka-isa ang lahat sa pag disiplina sa sarili. Kung sana ganito lang din ang Pinoy sa normal na buhay siguro ay mas maunlad na ang ating bansa ngayon.