Mar 2009

Random pics sa Alemanya
by missP on Wed Mar 25, 2009 2:21 pm
"Alin, alin, alin ang naiba? Ituro kung alin ang naiba.... sabihin, sabihin, isulat kung alin... isulat kung alin ang na-i-ba!" (Whicih among the photos does not belong to the group? The clue is already in the very first picture.)





Sapatos
by missP on Thu Mar 26, 2009 4:55 pm
Unang post ko ito sa pagsali ko sa Litratong Pinoy. Nakaka aliw ang mga topic dito. Matagal ko nang pin-lano na sumali pero talagang kulang lang ako sa oras noon. Ngayon, medyo maluwag na ang schedule ko sa trabaho, kaya siguro mapapanga-tawanan ko na ito. Bakit nga ba hindi? Mahilig din naman akong mangodak eh, hehehe.

Sa linggong ito ang thema ay SAPATOS. Teka, Pilipina ako. Babae ako…kaya hindi kataka-taka kung marami ang mga sapatoses ko Wink. Hindi man ito tatlong libo, pero higit pa sa isang dosena ang koleksiyon ko. At dahil sa LP, iba blog ko ang pangalawa sa huling karadagdagan sa koleksiyones ko (hehehe, parang ang dami talaga nila). Hindi naman ako masyado magya-yabang, pero tuwa ako sa mga sapatos ko. Yung iba, pagka bili, isusuot ko ng ilang beses tapos, naka kulong na lang sa shoe cabinet ko. Pero meron din naman akong mga pares na halos hindi na makapag pahinga sa kaga-gamit ko. Tulad ng mga bota ko. Anim na klase, pero lahat sila pakiramdam ko, overused, hehehe. Tapos siyempre, anjan pa ang mga pang trabaho ko na puro itim. Flat, or high heels, meron din casual ang dating, meron naman din formal. May seksi at meron din parang pang madre—ooooppssss, no offense meant ha.

Alam niyo, ito: ilalantad ko na ang sekreto ko. Masarap ang pakiramdam ko kapag bina-bati ako sa sapatos ko. Tumataba ang dibdib ko kapag may nagsasabi sa akin na ang seksi ko tingnan sa sapatos ko. Lalong-lalo na pagka sa unang tingin pa lang sa akin, diretso agad sa paa tapos sa legs ko ang tingin nila, hmmmm… nakaka --- ahem!