pearl farm and freebies
by missP on Fri Jun 16, 2006 6:20 am
I am chatting with my friend who hails from Davao. Limang tulog na lang kasi, I'll be home na again for a short visit lang. My parents are celebrating their birthdays. Mabuti na lang same month... para isang uwian lang, buwahahahaha! My father will turn 60 on July 2 and mom will be 56 on July 13. Pagkatapos ng celebrations sa Manila, we plan to go down south. We'll be visiting Davao this time. Plan is to stay at Pearl Farm. Pero, grabeee! Sobrang mahal.

Isn't it sad? Kapwa Filipinos who can't afford it, cannot even enjoy the treasures of the Philippines. Yap, kayamanan natin ang ating mga magagandang dagat at iba pang natural resources. But once this places gets developed and marketed to foreigners, etsa pwera na ang mga Pinoy na mahirap lang. Unless they work as staff in such places, they can't even get to see this world re-knowned resorts in their own land. Schade!!!

Anyway, with three big bags and two really heavy handcarry luggages, one would think hindi na kao babalik dito sa Alemanya. But, so far, yan ang estimated ko na luggage. What with all the stuff we have to bring back home, naks, as if! Actually, I'm just bringing old stuff that I won't be using here anymore. Better to give them to those who would really appreciate them. Marami tayong mga kababayan sa mga probinsiya na naghihirap. Kahit ano ang ibigay mo sa kanila, ina-appreciate nila ito ng husto. You see it in the gleam of their faces. Naranasan ko ito nang una akong mag iwan ng mga gamit sa atin, mga apat na taon na ang nakalipas, kasi nag "excess baggage" ako. Tuwang-tuwa sila kahit mga lumang damit lang iyon ng asawa ko. Mag mula noon, tuwing uuwi ako, ginagawa ko, dala ko lang lahat puro old clothes, sa skin at sa mister ko. Tapos, iniiwan na namin ito sa mga tao dun. Tuwa din naman si mister ko. Tuwing lalabas daw siya, everday, familiar sa kanya ang suot na t-shirt ng ka-baryo na nasasalubong niya, hehehe. Tuloy, pag nagpapadala din ako ng balikbayan box, hindi din ito nawawalan ng lumang gamit na extra pang pinapadala sa probinsiya. This is my own personalized way of helping out. Hindi nga lang mga brand new ang pinamimigay ko, dahil hindi naman po ako mayaman, but just the same, I feel good kapag nakikita ko ang saya ng aking kababayan. I try to think of it as some sort of "Ukay-Ukay" pero free. They don't need to pay for the stuff. "Ukay-ukay" is cheap kaya good na rin, but freebies are even better, don't you think?