Too young to have an oldie's sickness, akala ko lang...
by missP on Tue Dec 05, 2006 10:54 am
"Sa sandaling nag tagpo ang kanilang mga mata ay bigla silang napangiti sa isa’t-isa. Napa tingin si Sabel sa kanyang kaibigang si Choleng. Ngumiti at kinawayan niya ito. Habang dahan-dahang lumapit si Choleng kay Sabel, ani pa niya. “Halika, mamasyal tayo sa may dalampasigan. Pumunta tayo doon sa may malaking bahay na bato at kumain ng pinalamig na mais na may gatas. Tiyak, bibigyan tayo ng mabait na babaeng nakatira doon ng pagkain at maiinom.” Umiling si Sabel. “Hindi maari Choleng. Uuwi na ako” ang sagot niya. “Kailangan makasakay ako sa huling biyahe ngayong araw na ito. Nag didilim na at ako ay hinihintay na nang aking Inay. Papagalitan ako ni Nanay kapag ako’y inabot ng dilim sa kalsada.”

Naiiyak akong kapag naaalala ko ang aking Lola. Siya ang nasirang Ina ng Tatay ko na nagkaroon ng Alzheimer's disease. Naaalala ko noon, sa tuwing nakikita niya ako, ngumingiti siya at sabay umaakap sa akin. Tinatanong niya ako kung kalian pa ako dumating at kung kaninong anak nga ba ako. Tapos, iiyak na siya. Naalala niya daw ako at ang aking mga kapatid. Nasaan na daw ang aking ama? Ganito ang aming eksena, sa tuwing kami’y nagkikita. Hindi baleng mga limang minuto lang ang nakalipas ng aming huling pag kakausap. Ang mabait na babaeng tinutukoy ni Aleng Choleng ay ang Tita ko. Ang kapatid na babae ng Tatay ko na naiwang nag alaga sa aking Lola.

Hindi kaya mamana ko ang Alzheimer Disease ng Lola Sabel ko?? Ano naman kaya ang gagawin ko? Wala akong anak na mag aasikaso sa akin. Sino ang mag aaruga sa akin pag umabot ako sa ganitong kalagayan?

Noong isang linggo ay nagpunta ako sa aking Doktor. Mayroon akong ini- reklamo sa aking kanang paa. Namamaga ang aking hinlalaki. Hindi naman ito naapakan or nabagsakan ng anumang bagay, kaya ako ay nag tataka kung ano ang dahilan ng pamamaga. Sa halip na mag paka loka ako sa kaiisip ng dahilan, madali akong nag punta sa aking Doktor. Ang sabi niya, Rheumatoid Arthritis daw ito.

"Major Types of Arthritis Rheumatoid arthritis generally starts to affect people between ages 20 and 50, and women three times as frequently as men. It may occur in children, particularly girls from 2 to 5 years of age. It is characterized by inflammation and pain in the hands -- especially the knuckles and second joints -- as well as in the arms, legs, and feet, and by general fatigue and sleeplessness. It can also cause systemic damage to other parts of the body, including the heart, lungs, eyes, nerves and muscles. The discomfort of rheumatoid arthritis can develop over weeks or months and tends to be most severe on awakening." - lifted from Emerging Worlds website

Sigurado na daw siya dahil hindi lang ito ang isang insidente. Nung isang taon, nanakit ang aking mga binti. Bago pa yan ay namaga ang aking hintuturo sa kanang kamay. Hindi man daw sabay-sabay na umaatake sa aking mga gaamay ang sakit, subalit ito ay nagiging paulit-ulit na. Kailangan ko daw mag undergo ako nang medication theraphy. Kailangan pag isipan ko daw ito ng maayos kung gusto ko itong gawin dahil may side effects ito. Kung may balak daw akong magka-anak ay hindi ko pwedeng ituloy ang theraphy na ito. Subalit, kung hindi naman daw ako mag undergo ng theraphy ngayon, kelan pa daw? Hihintayin ko pa ba daw na lumalala ang sakit na ito? Ang nirekomenda niya ay agapan na agad ng theraphy ang sakit ko. Pero ibig sabihin nito ay hindi ako pwedeng magka anak sa susunod na mga ilang taon. Tinanong ko siya kung gaano katagal ang theraphy na ito kailangan gawin? Isa, dalawa o di naman kaya tatlong taon? “Baka nga daw mas matagal pa dito. Pag isipan ko daw ng maigi. Pero, hindi naman daw pwedeng masyadong matagal na pag iisip. Kailangan daw kasi talaga sa lalong madaling panahon ay ma kontra na agad ang sakit ko.”

Takot ang nangibabaw sa akin. Hindi naman yata ako magkaka sakit ng Alazheimer's, pero ito naman ang inabot ko. “Rheumatoid Arthritis” daw sabi ng doctor. Kung sakaling itutuloy ko ang theraphy na ito, sa edad ko sa kasalukuyan ay malabo na ngang mag ka anak pa ako. Sabi kasi ng doctor, maaaring humigit pa sa tatlong taon ang tatakbuhin ng theraphy sa akin. To cleanse myself of all chemical in-take which can cause side effects on pregnancy can take even longer.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan ng ganito ka drastic na paraan para mapagaling ang sakit ko. Marami naming may rheumatism jan, pero ni minsan ay hindi ako naka rinig na may ganitong case katulad ng sa akin. Sabi naman sa akin ng isa kong kasamahan sa trabaho, malamang dahil kadalasan sa nag kaka rheuma ay matatanda na at hindi na pwedeng magka anak. Sak kaso ko na bata pa at may rheuma na, mahirap nga dahil sa kahilingan kong mag ka anak pa.

Ewan ko. Sa kasalukuyan ay nalilito ako. Ang ginawa ko nalang ay sinubsob ko ang aking sarili sa pag ta trabaho. Hindi pa ako nag balik ulit sa aking doctor. Pero sa December 13 ay may appointment na naman ako sa kanya. Plano ko ay sasabihin kong, magbe-baby muna ako. Tapos sisimulan ko na agad ang theraphy. Hindi ko alam kung tama ang desisyon na ito. Pero, magbabaka sakali na rin ako. Katawan ko naman ito kaya desisyon ko ang masusunod.