Vanity
by missP on Thu Aug 14, 2008 12:27 am
Quote:
Ang pimples ay problema ng mga teenagers. Mabuti nalang hindi ko masyadong naging dilemma yan. Pero Tita, ang dark circles sa mata, chaka!


So, ano naman daw po ang pinagka-kaabalahan ko kapag may kaunting panahon nga ako? Naitanong nang isang kasamahan ko sa trabaho. Kasi nga, palaging full ang sched ko everyday. From 4:30 a.m. hanggang 18:00 p.m. on the go ako. Madalas hanggang 20:00 p.m. pa nga.

Napangiti ako. Ang pinaka pahinga ko kasi, nakaka loka--ang panonood ng mga Pinoy TELESERYE. Grabe! Yung tatlong buwang teleserye sa atin, napapanood ko ng ilang lingo lang. Hahaha. Kaya naman ang dark circles sa mata ko ay matindi na rin. Mabuti nalang at meron akong kasamahan sa trabaho na Dermatologist. I-ne schedule niya ako ng facial at binigyan ako ng tips at samples sa vanity problems ko. Buwahahaha. Two months ko nang ginagamit religiously ang mga creams na binigay niya. May progress na din kashit papaano. Pero matindi ang amoy ng creams na ginagamit ko, kaya talaga naming nakakahiyang maki pag bisou sa mga kakilala at kaibigan. Kaya tuloy imbis na umaga at gabi ang application sched ko dito, ay isang beses nalang sa gabi.

Ang magic cream ko? Nako, hindi ko pwedeng sabihin. Isa lang ang masasabi ko. Walang kinalaman ang litrato ng bulaklak na kasama sa post na ito. Buwahahaha. Kung gusto niyo, email niyo nalang ako at i-oorder ko kayo, hehehe.. joke only. Ang masasabi ko ay ang main ingredients nito ay halamang dagat. Effective talaga siya, promise.

Kuminis nga kaya ang kutis ko? please WISH KO! yep yep