"3 set ha...itaas lang ang bola. oh, over na!!!"
by missP on Sun Aug 17, 2008 8:56 am
... Yan ang madalas mong maririnig na sinisigawng mga Pinoy dun sa Ost park.

Unang Sabado ng Agosto ay opisyal na binuksan ang torneo sa Volleyball ng mga Pilipino dito sa Frankfurt am Main. Kakatuwa naman. Madami ang dumating. Libre ang pagkain. Sus, nagmistulang fiesta sa Nayon sa dami ng iba’t-ibang putahe na ini handa ng nag organisa ng palaro. Nagsi pag dala din ng kani-kaniyang pagkain ang iba’t-ibang grupong dumalo. Kaya talaga naman hindi magugutom ang kahit na sinong pumunta doon.

Nag parada din ang mag grupong magla laban-laban. Kaka aliw, Kahit ooperahan na ang Lola ay tira pa rin.

Kasama ako sa Green team, Wink saling pusa lang naman. Mas malakas kasi ako kumain kaysa tumira ng bola, buwahahaha bouncenburn . Sabagay, mas may pakinabang talaga ako sa kainan at sa pag papa cute, nyahahaha. Itanong mo kung ano ang pangalan ng team namin? Oh Jo! Kaluguran Daka!!! Oh, di vah, bonga. Di po ako Kapampangan, pero ang manager at halos karamihan sa team members ay taga Pampanga. Hence, the name.



Hindi pa tapos ang laban. Dapat kaninang hapon may liga din, pero kinansela ito ng organizers. Meron yatang isang affair na inihanda ng ibang grupo na kailangan din tangkilin. Ang susnod na laban ay sa huling weekend ng buwan. Championship na daw po. Kung gustong manood at makipag fiesta, lahat po ay welcome.
bananas clapping bananas clapping bananas clapping bananas clapping bananas