LP 64: KANDADO
by missP on Fri Jul 03, 2009 4:51 pm


Ang entry ko pong ito ay para sa LP64 topic po. Para sa Linggong ito, hindi po BAG ang paksa natin. Ang paksa po natin ay “KANDADO”. Wala po kasi akong mahagilap na litrato ng kandado kaya naisip ko kunan nalang itong paborito kong bag na may “kandado” ng litrato.

Ayan, ito po ang patunay na ang kandado, hindi lamang para sa sekuridad ginagamit ng tao. Pang desenyo din po to. Madami din iba’t-ibang klase ng kandadong pang desenyo, may maliit na pang duwende at meron din namang malaki na pang higante.

Yung sa akin ay katamtaman lang. Ang masaklap lang nito, mabigat ang bag ko. Wala pa man itong laman ay halos one kilo na ang timbang nito. Can you imagine pag inilagay ko na ang lahat ng abubot ko sa bag? May tatlong cellphone, wallet, id sa work, camera, pencil case, stapler, filer for work, compact powder, lipstick, hand sanitizer at maliit na bote ng mouthwash to name some. Sadya naman talagang sakit ng balikat ako at the end of the day! Hahaha… vanity!

Happy Beerday sa lahat ng may kaarawan sa buwan na ito… Kasama na rin po ang Tatay ko Wink