June 06, 2004

Happy Birthday Horhe

Noong high school pa ako, naalala ko hatid sundo kaming magka-kapatid ng mga magulang namin to and from school. Simula sa pinaka malapit sa house na school, our eldest bro at yung sumunod sa akin na kapatid ko, both went to Quezon City Science High School. Since ako ang pinaka-malayo ang school sa aming makakapatid, ako palagi ang huli sa hatiran sa umaga at una sa sinusundo sa hapon.

I remember, doon sa "burgermachine" (hehe...alala mo yun, Horhe?) sa may school namin, meron din isang studyante na palaging naghi-hintay ng sundo niya. Palagi kaming nagsasabay maghintay. We never said a word to each other then. Tingin at smile lang. We went to the same class pero, dahil nga shy siya at maldita ako,hindi talaga namin nagawang mag-usap. Most of the time, nau-una pa nga dumating ang sundo niya kaysa sa akin. So, most of the time din, nai-iwan akong mag isang naghi-hintay doon.

Until the day, na nagka lakas loob siyang humirap ng notes ko. As if hindi kumpleto ang notes niya, ano?!? I knew naman na wala siyang kailangan sa akin, but didn't know how to break the ice lang, kaya he asked to borrow my notebook. Okay lang. Madalas naman talaga mabait naman talaga ako. May pagka-maldita nga lang. Kaso mo, noong binalik niya ang notes ko, may mga corrctions ba naman siyang ginawa! Helloooo!!!! ano, feeling teacher?! Nag check ng assignment si Sir. Eh di ,of course, nag wala ako. Galit ako sa kanya noong time na iyon, pero nangibabaw ang pag ka-diplomatic ko. Wala siyang narinig ni isang masamang salita, bagkus, kami'y naging magkaibigan...di ba HORHE? Natapos ang HIgh school namin ng napaka bilis. Tapos bigla na lang nawalan kami ng communication. I went to Miriam na nga...siya naman sa P.U.P. Naging Inheniyero siya. Naging isa sa mga pioneer engineers who built Rockwell. Tama nga ba Horhe? Ako naman, napadpad na sa Belgium. After 8 long years of silence, sabi sa akin ng Tita ko one day, may caller daw ako from the Philippines. Isang Engineer..."can't remember the name"...hehehe, my typical aunt. Sa kanya yata ako nag mana, eh. Sabi ko lang, wala akong kilalang "engineer can't remember the name". Makalipas ang isang linggo o dalawa ba? May tumawag ulit. This time I was there to answer the phone. Siya nga! Ang batang lalaking dati ay mahiyain na mayabang...hindi lang siguro maka porma, ay isa na ngang Inhenyero...pero napa ka bait niya. Hindi niya ako naka-limutan. Medyo matag-tagal niya na daw pala akong hinahanap. Ang common friends namin na mga loyal sa akin at kapwa ko rin may pagka-maldita ay hindi ibinigay sa kanya ang akin contact info. Di daw kasi nila type ibigay...kaya ayun, nagdusa siya....o sabi niya. Ewan ko lang kung totoo nga.

Sa ngayon, continue na ulit ang communication namin....o divah?! Constant e-mail at kung may chance ay nag cha-chat kami via msn IM. Nag ta-trabaho siya ngayon sa lugar ng mga aso at elepante na naka-sakay palagi sa isang truck. (Na i-save pala Horhe ko yung picture mo with them na send mo sa akin via e-mail. Ang cute niyong lahat, hehehhe!). Minsan dinalaw niya rin ako dito sa "Alemanlandiya"...kaya lang sandali lang siya dito. I hope bumalik ulit siya...

Sa araw na ito, nais ko lang sana siyang batiin sa kanyang kaarawan....

Isang Maligayang Pagbati sa iyo, kaibigan. Sana ay nasa mabuti kang kalagayan jan sa mainit na lugar ng.....ngeeekkk...saan nga ba yan???? Da-daan ka ba ulit dito sa July? Nabanggit kasi ng mga kasamahan mo sa trabaho na umuwi patungong Pilipinas na magba-bakasyon ka daw next month...true vah? Na suwertehan namang nakita ko sila sa Frankfurt Airport...naitanong na tuloy kita.

Anyway, muli, Happy Birthday my friend!!! Sayang wala tayo sa Pinas. Sana inuman ulit tayo sa Tagaytay...hehehe! Naalala mo noong birthday ko na pumunta tayo doon with Tiny? That was one unforgettable night, salamat kay Valerie.


Posted by missP at June 6, 2004 10:14 AM