June 07, 2004

Di na Long hair

Medyo matagal na rin akong exposed sa same-sex relationship...no hindi dahil may ka-relasyon akong girl din, king hindi dahil marami akong friends na Badetch at Girl-Boy! Lalo na noong nasa Pilipinas pa ako.

My mom and her sisters kasi openned up a Beauty Parlor sometime during 1995-1997. Kami ng sisters ko ang palitan na nagba-bantay sa mga Badetch everytime wala si madir. Mag hapon mo ba namang kasama ang mga Badetch na haircutters and ang Girl-Boy naming manicurista...ano fah?! (Take note, ex-con pala yung manicurista namin na iyon. Pinatay niya mister niya dahil nahuli niyang may kasiping sa sarili nilang kama isang araw sa buhay niya, habang siya naman ay nag-papaka kubang mag linis ng kuka ng iba. Hindi ko lang matandaan kung bakit nakalabas siya ng kulungan.) Pero reformed na daw siya. Nang lumabas sa sa bilibid ay naging Born Again Christian na siya. "Salamat sa Pag-Ibig ni Hesus", ikan nga niya.

Madami akong natutunan sa mga Badetch na iyon. Hindi lang pa-tungkol sa carreer nila, kundi pati lovelife and ... well buong storya ng buhay nila, actually.

Ang buhay nila, labas sa original na pamilya ay masaya. Pero, kadalasan, sa kani-kanilang pamilya, hindi tanggap ang pagka bading nila. Kaya naman super sugod sila to the comfort of their kapwa Badetch. Masaya, may tulungan at tunay na concern ang makikita mo sa kanila. Pero nandoon din ang matinding landian at awayan blues. Isa pang pampa gaan ng kalooban nila ay ang kanilang mga fafa. kahit na ba sabihin na nating niloloko lang sila ng mga ka-lalakihan na ito, pero in fairness naman, meron naman ibang fafa na totoo sa kanila.

Napa lapit nga ako sa kanila, dahil nadadala ako sa mga storya nila sa buhay. At ang pinaka-masarap pa na part nito, since mabait ako sa kanila, (chika! mahilig kasi silang mag-advance, at madalas sa akin lang nila nagagawa ito), alagang-alaga nila ang beauty ko. Every week ang trim ng buhok ko. Hot oil at kung anu-ano pa twice a month. Kaya, sa kaka-trim, i ended up having a bob cut, pero in fairness ang ganda ng hair ko noon. "Soft and shiny", o divah?! pang commercial ang caption! Hindi pa naa-aninag ang signs of wisdom...hehehe! Haaay! Those were the days.

Pero, mabalik ako sa aking thema. Masarap nga silang maging kaibigan. Karamihan pa sa kanila ay talaga namang matalino...given the chance, they would definitely excel in their chosen profession. Pero marami din sa kanila ang nakapag-tapos sa hindi nila gustong kurso. Porke, iyon ang gusto ng magulang nila or iyon ang expected ng family nila of them. In the end, natatapos man nila ang degree, hindi naman sila nag pa-practice. They still end up working for big time Gay businessmen or "businessgaymen", (invented terms ko ito. whetehr they do exist or not, fead-ma ang B.Y. ko), hehehe. Pero, salamat sa kanila, na me-maintain ang beauty nating mga "tunay" na girls. Napapa gaan ang feeling natin whenever we are not in a good mood. Diba after a nice "do" makeover, kahit pa anong sama ng pakiramdam ng isang tao, talagang bumabalik ang self-esteem nito? At least, it always worked for me.

Bakit ito ang blog ko? Kasi, bagong gupit ang hair ko. Pang summer! I had this hair style last, eh, before I came to Europe...so for me, retro style...o divah? To see, simply point cursor on the picture at the left side corner of the screen....

Posted by missP at June 7, 2004 10:30 AM
Comments

ay oo kiwipinay. ang sarap ng feeling...ang ganda ng pakiramdam everyday.
have a good one!:)

Posted by: missP at June 10, 2004 11:17 AM

uy, gara! may gupit ako dati na ganyan din. presko ano? :)

Posted by: kiwipinay at June 9, 2004 08:42 PM

@Megastina: :), thank you, hehe,(landi ko!). i had my hair permed before kaya lang di bagay sa akin. nag mukha akong galing sa bundok ng tralala...

@tiptoes: hello, minsan mukha din naman akong macho, esp. after a week of workout...take note, kahit long hair!

@thanks thess, pero,huwaaaa!!! hindi ko pa rin mai set up ang haloscan at doodle...

@hi leah, hintay ka na lang konti. by the time na okay na ulit ankle mo, kahit pa mag akyat-pana-og ka sa hagdanan ng parlor mo, hehe...get well soon!

@hello JaH,hehe, sige Jah, pagupit ka rin ganito. tapos sama natin ang ever body-beautiful na si miss miss Jordy-Jing tapos sayaw tayo ng Otso-Otso! heheh!

Have a Great Day everyone....enjoy the sunshine!

Posted by: missP at June 8, 2004 02:24 PM

nakalimutan ko ren sabihen.. I LIKE UR HAIR!! magpagupit ren ako ng ganyan? lol

Posted by: JaH at June 8, 2004 02:09 PM

pareho tayo.. masarap kaibigan ang mga gay people. miss ko na tuloy ang mga barkada kong bading.. pranka sila.. pero totoo ang mga sinasabe nila.

mas nagtitiwala ako sa bading pag dating sa paggupit ng buhok. ewan ko.. gano lang ako.

anyhoo have a great week!

*hugs*

Posted by: JaH at June 8, 2004 02:08 PM

siyaaaaksssss.....gusto ko rin magpagupit!! actually, i've been thinking about it kaso the only way to get to the parlor na pinupuntahan ko lagi is a full-length stairway up! in my present condition, di bale na lang! :P

Posted by: leah at June 8, 2004 11:27 AM

'Love your new do!

Posted by: thess at June 8, 2004 07:28 AM

kaya pala 'vibes' tayo.p'reho tayo ng set of friends!hehehe
Kaya nga ba hindi ako umaayon sa kasabihan--'tell me who your friends are, will tell you who you are', eh paano kung lalaki or mga lalaki barkada mo,ibig bang sabihin noon macho ka rin!!ngeek!! hakhakhak

Posted by: tiptoes at June 7, 2004 09:21 PM

uy sophisticated ang dating ng new do, :) ako naman nagpapahaba at nagpakulot!

Posted by: megastina at June 7, 2004 04:09 PM