June 11, 2004

Pampalipas oras

Ang Pilipino, mapunta man sa ibang bansa, o kaya manatili man sa sariling bayan, talagang mahilig na mag kita-kita. Madalas sa bahay ng isang kaibigan. May handaan man o wala. Basta magtagpo lang at magtawanan ay okay na.

Noong ako'y nasa Belgium pa, ang napansin kong pampalipas ng oras ng mga Pilipino doon ay ang pagla-laro ng baraha. Oo, sugal. Madalas Tong-Its ang laro nila. Pero meron din namang nagpu pusoy. May pustahan ito, pero hindi naman kalakihan. Para lang medyo sumaya naman ang laro nila. Kasabay ng pagla-laro ng baraha, meron din siyempreng kainan at kantahan. Of course ang kantiyawan ay hindi naman nawawala at lalong lalo na ang tsismisan. Habang nagba-balasa ng baraha, wala din namang tigil ang bibig sa ka-ka kuwento. Kaya, kung ikaw ay hindi imbitado, asahan mong naging topic ka na sa usap-usapang ito. O di naman kaya, kung kasama ka man sa pagti-tipon-tipon, huwag kang aalis sa mesang kinau-upu-an mo. Dahil sigurado, pag tayo mo, tungkol naman sa buhay mo ang isyu, heheheh!!! Nakaka-aliw naman makinig. Madami kang mababalitaan. Para ka ngang nakikinig ng Live Broadcasting ng "Magandang Gabi Bayan".

Kabilang din sa papalipas oras ng mga Pilipino ang Mahjong at Bingo. Ang favorite ko ay ang Bingo. Lalong lalo na kung ang caller ay magiliw. Babae man o lalaki. Pero, huwag ka, meron akong narinig sa aking pakikinig ng "Magandang Gabi Bayan" dito sa Germany. May dalawang Pilipina na dito na nakatira. Si Pinay A at si Pinay B. Mga maganda ang disposisyon sa buhay. Parehong may pinag-aralan. May kaya. Magkasama sila sa isang organisasyon dito sa Alemanlandiya. Kung ilang taon din silang nagsama sa lahat ng gawain ng tropa. Minsan, nagpa bingo ang Organisasyon nila. Nagkataon na si Pinay A ang caller. Okay naman ang dating niya. May impact sa tao. Kaya lang pag dating sa letrang B-11, ang binanggit ni Pinay A, ito daw ang paboritong numero ni Pinay B. Di ko na get ang kinasama ng loob ni Pinay B doon. Pero, sa sobrang galit at pahiya niya ay, nag sagutan daw ang dalawa at nagsabunutan sa harap ng maraming bisita. Sa tagal ng haba ng panahon, hanggang ngayon ay hindi na sila nag u-usap pa. Kesehodang magbanggaan ang mga Tsedeng nila sa kalye, dead-ma ang beauty nila sa isa't-isa.

Ang sa akin lang, hindi ba sila natatakot mamatay na may sama pa rin ng loob sa isa't-isa? Dahilan lang sa napaka-babaw na Bingo na dapat ay katuwaan at pampalipas oras lamang?

Posted by missP at June 11, 2004 10:35 AM
Comments

haay buti na lang ako unggoy unggoy at 41 lang ang alam ko sa baraha...at tsaka'find the killer 'din pala ...(paborits na laro pag nagawi barkadahan sa tagaytay(aay ka miss noh?!)

Posted by: tiptoes at June 11, 2004 09:54 PM