June 15, 2004

Tumaas na naman ang Pamasahe

Ngayong umaga ko lang nabasa sa yahoo newsgroup ang muli na naman palang pag-taas ng pamasahe sa ating bayan. Pag sumakay ng bus anim (P6) na Piso agad ang patak sa unang 5 kilometro, at karagdagang P1.25 sa bawat kilometro na tatahakin pa. Ano ba naman yan! Nag taasan na daw kasi ang presyo ng petrolyo. Ano pa ba ang bago? Lahat naman sa bayan natin ay pamahal ng pamahal ang presyo.

Tiyak ko, sa mga tumataguyod sa "under the table" mag re-reklamo na rin yan sila. Sigurado tataas na din ang suhulan dito. Bakit kamo? Dahil, nagta-taasan ang pamasahe, presyo ng pag kain, tuition sa skwela, gasolina, mga damit, etc., etc. Pero ang suweldo ng mamamayan ay ganoon pa rin. Hindi naman tumataas kasabay ng mga nabanggit.

Hindi kataka-taka kung bakit karamihan sa mga professionals na Pilipino, tulad ng ating mga Doktor, Guro at Nars ay nagliliparan patungo sa ibang bansa at doon na lang maghanap buhay. Kesehodang hindi nila magamit ang kanilang pinaghirapang pag-aralan na propesyon. Hindi lang naman sila, pati na rin ang mga IT experts at ang mga magagaling nating Inhenyero ay ganoon din ang dinadanas. Mas pipiliin na lang nilang maging "second class citizen", at tanggapin ang mga mapait na karanasan tulad ng descriminasyon para lang kumita ng sapat para sa kanilang Pamilya. Kasi, sa palagay ko, naisip din nila na wala na talaga yatang pag-asa na magbago pa ang takbo ng buhay nating mga Pilipno sa sariling Bayan.

Pero, teka, meron naman palang pa-konsuwelo de bobo: para sa mga estudyante at mga may kapansanan, pati na rin sa matanda, eh, P4.80 lang ang pamasahe sa unang 5 kilometro. At Piso lang din ang dagdag sa bawat kilometro pang tatahakin. Hay nako!!! para namang binobola lang ng mga namamahala sa ating bayan tayong mga Pilipino...

Bakit ba naghihimutok ako? Wala naman ako sa Pilipinas. Eh, kaya nga eh. Wala ako doon dahil sa mga dahilan na nabanggit ko na at marami pa. Kung i-isa-isahin ko, ay sobrang haba na ng entry na ito. Nandito ako sa bansang dayuhan dahil kailangan ko ring kumayud ng salapi para makatulong din sa pamilya sa Pilipinas. Hindi ko na kasi maatim ang kahirapan sa ating bayan. Sa totoo lang, nawawalan na ako ng tiwala sa kahit na sinong uupo na pangulo ng Pilipinas. Hindi na talaga magba-bago ang ating mga Politiko. Hindi na rin magba-bago ang systema sa ating bayan.

Ang buhay nga naman!
Ka-awa-awa naman talaga tayong mga Pilipino!

Posted by missP at June 15, 2004 10:16 AM
Comments

hello svelte,

i guess it is in the nature of the person....thanks for dropping by, :)!

Posted by: missP at June 22, 2004 01:05 AM

hay. oo, wawa talaga ang kapwa pinoy natin. habang tayo, enjoy sa malamig na weather dito. hindi ko naman matanggal-tanggal sa isipan ko ang ganyan, missp. :(

Posted by: svelte at June 21, 2004 10:15 PM

@hello russ:)

well, yung mga namamahala sa ating gobyerno palagay ko meron pa din, kahit papaano..kaya lang sarili muna nila ang kanilang cnisigurado...
(hindi naman cguro lahat, pero halos karamihan nga sa kanila). kaya, ang mga mamamayan ang masyadong apektado...talagang kawawa!

@tiptoes: oks lang ako, medyo bz ang tita mo! TLC

Posted by: missP at June 16, 2004 02:22 AM

Haaay buhay nga naman oo!!!..isang solusyones lang yan dafat ipatupad sa batas na ipagbabawal na lamang ang sasakyan...para lahat naglalakad eh di pair este fair!ngeeks (sowy po ala naman akong maisip na matinong commentiones:p) mustasa tita fairy? muaaahz

Posted by: tiptoes at June 16, 2004 12:20 AM

kawawa talaga ang maraming pilipino. ang masaklap pa dun, ang gobyerno walang magawa. mas gusto ko ata isipin na ganon kaysa naman sa wala silang ginagawa.

Posted by: russ at June 15, 2004 01:03 PM