September 07, 2004

Bad trip!

Kagabi, habang papa uwi na ako... nag punch out ako with my ID....nakngtipaklong.... kinain ba naman ang ID ko. Nagkaroon yata ng identity crisis yung "lesegerät" sa airport at.... AS if, akala siguro eh cash automat siya, biglang nilunok na ang ID ko. Ni reklamo ko sa airport security ang nangyari. Tinanong ko kung paano nangyari iyon eh valid naman ang ID ko. Tsi-nek niya, sabay sabi sa akin...mula september 1st pa daw hindi valid ang ID ko. Ngekkk! Eh, ang laki-laki ng nakasulat na expiry date sa harap mismo ng ID, malaki pa nga sa panganlan kong napaka haba...09/04...ibig sabihin hanggang katapusan pa this month ang expiration nito...

Sabi niya kailangan ko na naman mag apply ng bagong id...litek! matagalang processo na naman ito! May take two to three weeks....mapapaaga pa yata ang bakasyon ko......ooopss! hold that thought....parang pabor sa akin itong pangyayaring ito, ah!

Pero, INIS talaga ako, dahil maaga pa naman sana ako naka alis sa position ko at maha-habol ko pa ang bus papuntang parking area...sa halip, ayun, inabot ako ng alas 12:10 midnight sa airport. Ang hirap pa nito, kailangan maaga ako pumunta ngayon sa OPS namin para maka kuha ako ng temporary one day ID bago ako mag start ng work...bad trip talaga!

Posted by missP at September 7, 2004 10:58 AM
Comments

Magandang Saturday sa iyo Sade :),

di vah nakaka pangit sila sa kakulitan, hehehe. at least they are reminding you in advance. in my case naman, hindi nila ginagawa ang kanilang trabaho, kaya, it turned out that I was working without a proper valid ID for some days, ayun, na confiscate tuloy ID ko. Ang masama pa, they wanted to put the blame on me, kasi, dapat daw maaga ko ina-sikaso iyon. Eh, how would I know na hindi na pala valid ang ID ko as of first of september? which had an expiration date: 09/04. di vah, confusing?

anyway, hindi pa ako naka-kuha ng bago... maybe next week na. ingatzzz!

Posted by: missP at September 11, 2004 08:27 AM

hi thess :)

hindi naman. akshuli, puro pasyal ang plans namin at total relaxation. walang stress ba...tc! ;)

Posted by: missP at September 11, 2004 08:17 AM

hahha. i so know the feeling. kahit dito sa office building, yung mga sa reception, parang mga bulldog, one month before magexpire ang ID ko, everyday, kinukulit na ako na magparenew. Ugh! Buti na alng at nagawa ko sya. kasi yung sa akin, valid daw til aug 31. whew.

Posted by: Sade at September 9, 2004 03:39 PM

OMG...what a moron!! mali pa ang comment box na nagamit ko, *lol*...teka dun dapat sa itaas eh ha ha

Posted by: Thess at September 9, 2004 09:53 AM

baka pwedeng sumama sa pilipinas?

ok na ba mga bagahe? inggit tuloy ako...tyak shopping spree ang byuti mo dun...HAVE FUN!!

Posted by: thess at September 9, 2004 09:52 AM