November 08, 2004

Huli na ang lahat...

1. Noong isang araw, nag post lang ako tungkol sa kanya. Ni wala akong kamalay-malay na nasa ospital napala siya. Nag ka Urinary tract infection ang aking guwapang pag umangkon! Kaninang umaga naka usap ko ang bradir ko sa phone at okay na naman daw ulit si Trisha...in fact naka usap ko pa siya mismo. Maya't-maya lang naririnig ko nang nag tatatakbo ang Trish habang kumakanta. Rinig ko kasi ang lagakpak ng kanyang sapatos kaya alam ko na tumatakbo na siya. Siguro para hahabulin na naman yung mga aso ng kapit bahay. OPO, hindi po aso ang humahabol sa kanya, SIYA po ang humahabol sa mga aso ng mga kapitbahay namin!

2. Dahil sa trabaho, medyo matagal-tagal din akong hindi naka upo sa harap ng computer. Anim na araw din akong hindi naka pag post at naka reply man lamang sa comments ng aking mga kapwa blogistas...pag pa sensiyahan nyo na kung hindi din ako naka dalaw nitong huli sa inyo hah...iba kasi ang trabaho ni MissPanget (jan nagsimula ang aking alyas d2 sa bloggingworld)...hindi naka upo sa harap ng computer. Akshuli no access to the www whatsoever talaga ang beauty ko pag nasa trabaho...kaya eto, huli palagi sa balita.

3. Pati itong plume cake na ibi-nake ko before we left for the Philippines, na supposedly ipo-post ko, super late na rin. Well, nakain naman ang cake but the draft that i wanted to publish, ay natabunan na ng ibang for posting...ngek!!!


plumecake1.jpg

4. Pati layout ko na dapat Fall motiff, wa effect na rin... bakit?! Kasi, sabi ng radio announcer habang nagda-drive ako kagabi pauwi ng bahay, mag i-snow na daw next week!!! "Ano? eh, kaka simula lang naman ng autumn ah",sabi ko sa aking sarili. Dios nating lahat, ilang linggo na lang pala, autum is officially over at winter na nga pala.

5. Ibig sabihin din nito, magpa-pasko na....ni wala pa akong mga gift-chenes na napamili! ano ba yan! Kaya pala, yung mga pinoy na nagsisi uwi-an, as usual, ang dami na namang bitbit na ke bibigat ng mga trolleys...pamasko na pala nila....tsk! tsk!tsk! Pero di pa ako huli sa pamimili ng mga pamasko. O mag tago na lang kaya ako, buwahahahaha!!!

Posted by missP at November 8, 2004 11:48 AM
Comments

hi jingskie,

actually, recipe ng madir-in-lo ko yan, pero, i didn't do justice to it....more like naging plums on shortbread, hahahaha. pero in fairness, masarap naman daw --- sabi ng hubby ko, siyempre! and to prove it to me, naubos niya mag isa ang cake,...divah! di naman sumakit ang tummy niya, hehehe!

ingatzy! winter na... enjoy the snow!

Posted by: missP at November 10, 2004 08:03 PM

hello svelte,

yes, new nga ang background, pero, sa laking saya ko ^°^, nag snow na dito! ibig sabihin magpapalit na naman ako! hahahaha!!! huli na naman talaga ako ;)

have a good one!

Posted by: missP at November 10, 2004 07:57 PM

sus kakalaway naman itong plum cake mo... asan ang recipe :-)

Posted by: jing at November 10, 2004 01:19 PM

actually, bago na nga itsura ng site mo, dear. i like the pix on top. kasi don mo makikita yung full autumnn regalia ng mga trees-y. dito nga, saksakan na ng lamig, pang winter na talaga. medyo sick nga ako e, kasi di ko akalain na it was super duper cold na, kaya manipis lang ako manamit. hay! kaya heto, puro sipon at medyo lamig na lamig ako. :)

Posted by: svelte at November 9, 2004 07:39 PM